PATAY ang pitong hinihinalang kasapi ng tinaguriang “baklas-bubong” group, na sangkot sa mga panloloob, nang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Agoncillo, Batangas, Lunes ng umaga.
Tinitiyak pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay, na pawang mga sakay ng isang van, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang engkuwentro sa Brgy. Banyaga, dakong alas-4:45.
Bago ito, nilampasan ng Toyota Hi-Ace van (TIH-344) ng mga suspek ang checkpoint sa Brgy. Berinayan, Laurel, sa pamamagitan ng pagsalpok sa mga road barrier, ayon sa ulat.
Itinimbre ito ng Laurel Police sa mga alagad ng batas sa Agoncillo, na nagsagawa naman ng checkpoint sa hangganan ng dalawang bayan para harangin ang van.
Nang mamataan ang van ay pinara ito ng mga tauhan ng Agoncillo Police, pero imbes na huminto’y lalo pa umanong bumilis ang takbo nito at pinaputukan pa ng mga sakay ang mga alaagad ng batas.
Nauwi ito sa habulan, hanggang sa makorner ang van at muling pinaputukan ng mga sakay nito ang mga pulis.
Dito na gumanti ng putok ang mga aalagad ng batas, hanggang sa matumba ang mga sakay ng van, ayon sa ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.