PATAY ang isang tricycle driver at sakay niyang mag-ina habang tatlo pa ang malubhang nasugatan nang masalpok ng van ang kanilang sasakyan sa Dagupan City, Pangasinan, Linggo ng hapon.
Dead on the spot ang tricycle driver na si Michael Reyes, 32, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Itinakbo sa pagamutan ang kanyang mga pasahero, pero di na umabot nang buhay si Karen Viliran, 28, at anak nitong si Wendy De Leon, 5.
Nilulunasan pa ang live-in partner ni Viliran na si Wendel De Leon, 37, at mga anak din nilang sina Felecia Karek, 7, at Hanifa, 1.
Naganap ang insidente dakong alas-5:45 sa New De Venecia Highway, Brgy. Lucao.
Minamaneho ni Reyes ang tricycle patungong timog, nang masalpok ng Toyota Hi Ace van (ZRM-181) na dala ni Romeo Bugaoan, 53, at pag-aari ng Universal Aquarius Inc.
Lumabas sa imbestigasyon na inuunahan ng tricycle ang isa pang sasakyan nang maasalpok ng kasalubong na van.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.