DALAWANG pulis ang nasawi sa magkakasunod na engkuwentro ng mga tropa ng pamahalaan at New People’s Army sa San Jose, Occidental Mindoro, Sabado, ayon sa militar. Ang mga sagupaa’y bahagi ng isinasagawang “focused military operations” ng 4th Infantry Battalion, Provincial Mobile Force Company ng pulisya, at Criminal Investigation and Detection Group-4B, ayon kay Col. Marceliano […]
DALAWANG tauhan ng Bureau of Customs ang nasugatan nang lamunin ng apoy ang bahagi ng gusali ng ahensiya sa Port Area, Manila. Nagtamo ng paso sa kanang braso ang isang Arnold Malit habang isang “Ning” Hardam ang dumanas ng hirap sa paghinga, ayon sa ulat ng Manila Police District. Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag […]
NASAWI ang isang matandang lalaki at kanyang apo, habang tatlo pa katao ang nasugatan nang masalpok ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang tricycle, sa Villasis, Pangasinan, Biyernes ng gabi. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Alfredo Apalla, 72, at Apple Jamaica Asis, 7, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Sugatan naman ang ina ni […]
TATLONG lalaki ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Daraga, Albay, Biyernes ng gabi. Nakilala ang mga napatay bilang sina Pedrito Tibay alyas “Mao,” Jeruth Catubig alyas “Bunker,” at isang Carlo Rima, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Isinagawa ng mga tauhan […]
PATAY ang dalawang hinihinalang gunrunner nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng entrapment, sa may Plaza Lawton, Manila, Biyernes ng umaga. Nakilala ang isa sa mga napatay bilang si Martin Gomez, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikalawa, ayon sa ulat ng Manila Police District. Naganap ang engkuwentro dakong alas-3:15, sa Quintin Paredes Bridge. […]
PATAY ang isang hinihinalang drug pusher, na inirereklamo din para sa panggagahasa, nang manlaban umano sa mga pulis na dadakip sa kanya sa buy-bust operation sa Bauan, Batangas, Huwebes ng gabi. Sadyang itinago ng Bandera ang pangalan ng napatay, dahil ang biktima ng kanya umanong panghahalay ay ang kanyang anak na 7-anyos. Isinagawa ng mga […]
ARESTADO ang isang opisyal ng PNP Maritime Group nang mahuling tumatanggap ng pera mula sa umano’y kinikilang mangingisda, sa entrapment operation sa Tanza, Cavite, Biyernes. Dinampot ng mga kapwa pulis si Supt. Armandy Dimabuyo, hepe ng 402nd Cavite Maritime Police Station, sa loob ng kanilang himpilan sa Brgy. Julugan 5, sabi ni Senior Supt. Romeo […]
PATAY ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa kanilang bahay sa Balayan, Batangas, Biyernes ng madaling-araw. Dead on arrival sa ospital si Domingo Abiad, retiradong miyembro ng Marines at kagawad ng Brgy. Tanggoy, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang pamamaril dakong alas-2:10, sa labas ng bahay […]
PATAY ang kasapi ng isang grupong tumiwalag sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa Kabankalan City, Negros Occidental. Nakilala ang nasawi bilang si Jonybert Sabico, 40, miyembro ng Revolutionary Proletarian Army (RPA), ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Ang RPA ang armadong sangay ng Rebolusyonaryong Partido […]
NASAWI ang negosyanteng Filipino-Chinese at sugatan ang kanyang asawa, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa isang simbahan sa Bacolod City, Martes ng gabi. Itinakbo pa sa pagamutan si Alex Yao, 57, ngunit binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Nagtamo naman ng […]
NAG-ALOK na rin ang Calabarzon regional police ng bigas sa sinumang magsusuko ng bloke ng cocaine na matatagpuan sa rehiyon. Una nang inulat ng Bandera na nag-aalok ang Caraga regional police ng isang sako ng bigas kapalit ng bawat cocaine brick, matapos matagpuan ang 77 bloke ng iligal na droga sa Dinagat Islands at Siargao. […]