Kagawad patay sa pamamaril

By John Roson February 22,2019
share this

Kagawad patay sa pamamaril

By John Roson February 22,2019
share this

PATAY ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa kanilang bahay sa Balayan, Batangas, Biyernes ng madaling-araw.

Dead on arrival sa ospital si Domingo Abiad, retiradong miyembro ng Marines at kagawad ng Brgy. Tanggoy, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang pamamaril dakong alas-2:10, sa labas ng bahay ni Abiad sa naturang barangay.

Bago ito, nakipag-inuman si Abiad sa ilang kaibigan at pagkatapos ay inimbitahan ang mga ito sa kanyang bahay para magkape.

Nang umalis ang mga kaibiga’y napansin ni Abiad na tila may umaaligid pa sa labas, kaya kinuha ang kanyang baril at lumabas para tingnan kung sino iyon.

Ilang saglit pa’y nakadinig na lang ng mga putok ng baril ang misis ni Abiad, at nang lumabas ay nakita ang mister na may mga tama ng bala, ayon sa ulat.

Dinala ng ginang ang asawa sa Balayan Medical Center, pero di na umabot nang buhay ang huli.

Natagpuan naman sa crime scene ang limang basyo’t isang slug ng kalibre-.45 pistola. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending