'Tulak na rapist' patay sa anti-drug ops | Bandera

‘Tulak na rapist’ patay sa anti-drug ops

John Roson - February 22, 2019 - 07:33 PM

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher, na inirereklamo din para sa panggagahasa, nang manlaban umano sa mga pulis na dadakip sa kanya sa buy-bust operation sa Bauan, Batangas, Huwebes ng gabi.

Sadyang itinago ng Bandera ang pangalan ng napatay, dahil ang biktima ng kanya umanong panghahalay ay ang kanyang anak na 7-anyos.

Isinagawa ng mga tauhan ng Bauan Police ang buy-bust dakong alas-11:15, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Nang matapos ang “transaksyon” ay bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok, kaya gumanti ang mga operatiba.

Narekober sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money, kalibre-.38 revolver, isang kahon ng thumb tacks, P228 cash, at timbangan.

Sangkot umano ang suspek sa bentahan ng iligal na droga di lang sa kanilang komunidad, kundi pati sa mga kalapit na barangay ng Bauan.

Inirereklamo rin siya ng kanyang mga kaanak para sa ilang beses umanong paghalay sa kanyang anak.

Samantala, isa pa umanong tulak ng droga ang napatay nang pagbabarilin naman ng mga armadong naka-motorsiklo sa Brgy. Talaga, Tanauan City, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang nasawi bilang si Angelito Araja, isa umanong gun for hire at kasapi pa ng Fajardo drug group na itinuturing na high-value target ng lokal na pulisya, ayon sa regional police.

Nagmomotorsiklo si Araja dakong alas-5:30, nang buntutan at pagbabarilin ng dalawang taong magkaangkas sa isa pang motor. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending