Bus vs. trike: lolo, apo patay; 3 sugatan | Bandera

Bus vs. trike: lolo, apo patay; 3 sugatan

John Roson |February 23,2019
facebook
share this

Bus vs. trike: lolo, apo patay; 3 sugatan

John Roson - February 23, 2019 - 05:33 PM

NASAWI ang isang matandang lalaki at kanyang apo, habang tatlo pa katao ang nasugatan nang masalpok ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang tricycle, sa Villasis, Pangasinan, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Alfredo Apalla, 72, at Apple Jamaica Asis, 7, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Sugatan naman ang ina ni Apple Jamaica na si Pricilla Asis, 33; at mga kapatid niyang sina Mark Ian, 12, at Prince Kobe, 4.

Naganap ang insidente dakong alas-9:20, sa bahagi ng Manila North Road na sakop ng Brgy. Puelay.

Minamaneho ni Apalla ang tricycle, nang masalpok ng kasalubong na Solid North bus (CXH-786) na noo’y minaneho ni Antonio Samson, 49, patungong timog.

Lumabas sa imbestigasyon na nahagip ng tricycle ang isang aso na biglang tumawid sa kalsada, kaya nawalan si Apalla ng kontrol sa manibela at lumipat ang sasakyan sa kabilang lane.

Sa lakas ng impact, agad nasawi Apalla at si Apple Jamaica nama’y tumilapon palabas at nasagasaan pa ng bus, ayon sa pulisya.

Dinala ang mga sugatan sa ospital, habang ang bus driver ay dinala sa lokal na istasyon ng pulisya para imbestigahan. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending