MAGSASAGAWA na ang Air Force ng cloud seeding, o artpisyal na pagpapa-ulan, sa Isabela upang maibsan ang tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon. Isasagawa ang inisyal na cloud seeding sa Cauayan City, ngayong Sabado o Linggo, para mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa mga pananim at magsasaka, sabi ni Maj. Aristides Galang, tagapagsalita ng […]
ISANG lalaki ang nasawi at 11 pa katao, kabilang ang ilang bata, ang nasugatan nang sumalpok ang sports utility vehicle sa palaruan ng isang mall sa Carmona, Cavite, Miyerkules ng hapon. Labindalawa kaatao ang itinakbosa pagamutan, ngunit di na umabot nang buhay si Rollen Sartiel, 22, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Nilapatan ng […]
INATASAN ni National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang mga unit ng pulisya na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa water rationing points, na dinudumog sa gitna ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. “Local PNP units are directed to ensure the safety and security of […]
LIMA katao ang nasawi sa magkakahiwalay na aksidente Maharlika Highway sa lalawigan ng Quezon nitong Martes, ayon sa pulisya. Tatlo sa mga nasawi’y pawang mga sakay ng dump truck na sumalpok sa isang gusali sa Brgy. Zone 1, Atimonan dakong alas-5:10 ng umaga, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Patungo sa direksyon ng Bicol […]
NASAWI ang 4-anyos na batang lalaki matapos umanong lasunin ng kanyang ama, na kinalauna’y nagpakamatay naman sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, sa kanilang apartment unit sa Tondo, Maynila, Lunes. Nadiskubre na lang ng mga kaanak ang labi nina Rhandyl Cruz, 43, at anak nitong si Zian Paolo, sa kanilang silid sa apartment na nasa […]
APAT katao, kabilang ang isang barangay official, ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa isang lamay sa Infanta, Quezon, Miyerkules ng gabi. Nasawi sina Herman Cuento, 70; Leon Cuento, 73; Manuel Cuerdo, 41, chief tanod ng Brgy. Ilog; at Michael Cuento, 50, isang manager ng small-town lottery, […]
APATNAPU’T apat na pulis, kabilang ang dalawang mataas na opisyal, ang nasibak sa puwesto Miyerkules, matapos madakip ang ilang alagad ng batas para sa pangingikil sa mga kaanak ng mga drug suspect sa Pasig City at Pasay City. Inutos ni National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang pag-relieve kay Brig. Gen. Bernabe Balba bilang direktor […]
AABOT abot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang napinsala nang lamunin ng apoy ang isang imbakan ng mga gamit sa Camp Aguinaldo, ang punong himpilan ng Armed Forces, Lunes ng hapon. Nagsimula ang sunog sa Property Reutilization and Disposal Division (PRDD) area alas-2:36, ayon kay Col. Noel Detoyato, hepe ng AFP public information office. Umabot […]
ARESTADO ang babaeng dealer umano ng “party drugs” nang makuhaan ng di bababa sa P14 milyon halaga ng sari-saring droga, sa isang condominium sa Quezon City, Lunes. Nakilala ang suspek bilang si Evette Tividad, miyembro ng isang drug trafficking gang na nago-operate sa buong Metro Manila, sabi ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar, direktor ng National […]
PINAGLALAMAYAN ngayon ang isang lalaki at kanyang anak matapos malunod habang nagsi-swimming sa ilog sa Lucena City, Quezon, Linggo ng hapon. Dinala pa sa ospital si Ronaldo Dacer, 30, at ang 10-anyos niyang anak na lalaki, ngunit kapwa sila di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente dakong […]
NASAWI ang 3-anyos na bata matapos saksakin ng kaanak na nanghostage sa kanya at kanyang ina, sa Mobo, Masbate, Linggo ng umaga. Napatay din ang suspek na si Magdaleno Bustamante nang barilin ng mga pulis matapos niyang saksakin ang bata, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Nagsimula ang pangho-hostage dakong […]