Mga nakikilamay niratrat; 4 patay, 2 sugatan | Bandera

Mga nakikilamay niratrat; 4 patay, 2 sugatan

John Roson - March 07, 2019 - 06:42 PM

APAT katao, kabilang ang isang barangay official, ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa isang lamay sa Infanta, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Nasawi sina Herman Cuento, 70; Leon Cuento, 73; Manuel Cuerdo, 41, chief tanod ng Brgy. Ilog; at Michael Cuento, 50, isang manager ng small-town lottery, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sugatan naman sina Maximo Cuento, 65, empleyado ng lokal na pamahalaan, at Napoleon Miras, 68, chairman ng Brgy. Poblacion 1.

Naganap ang insidente dakong alas-8:45, sa Purok Irrigation, Brgy. Ilog Infanta.

Dumadalo ang anim sa lamay doon, nang biglang paulanan ng bala ng isang di kilalang tao na armado ng kalibre-.45 pistola, ayon sa ulat.

Dinala lahat ng biktima sa Claro M. Recto Memorial District Hospital ng Brgy. Gumian dahil sa mga tama ng bala, ngunit apat sa kanila’y idineklarang dead on arrival.

Kinalaunan nama’y inulat na malayo na sa panganib ang lagay nina Miras at Maximo Cuento.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending