AABOT abot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang napinsala nang lamunin ng apoy ang isang imbakan ng mga gamit sa Camp Aguinaldo, ang punong himpilan ng Armed Forces, Lunes ng hapon.
Nagsimula ang sunog sa Property Reutilization and Disposal Division (PRDD) area alas-2:36, ayon kay Col. Noel Detoyato, hepe ng AFP public information office.
Umabot sa 1st alarm ang sunog sa pasilidad, kaya bukod sa dalawang fire team ng kampo ay may dumating pang 20 trak ng bumbero at volunteers para tumulong sa pag-apula sa apoy.
Naapula ang apoy dakong alas-3:30.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog, bagamat may nagsabi na may nakitang “spark” sa mga nakaimbak na lumang kagamitan bago nagsimula ang apoy, ani Detoyato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.