John Roson Archives | Page 46 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 46 of 149 | Bandera

7 pang cocaine blocks natagpuan sa Catanduanes

PITO pang hinihinalang bloke ng cocaine ang natagpuang lumulutang sa baahagi ng dagat na sakop ng Catanduanes, Lunes ng hapon. Natagpuan ng mga mangingisdang sina Marcel Benosa, Danilo Villasana, at Tirso Bandola ang mga bloke malapit sa bayan ng Bagamanoc, dakong ala-1, sabi ni Col. Paul Abay, direktor ng Catanduanes provincial police. Pawang mga nakapaloob […]

SUV ng brgy officials naaksidente; 2 patay, 4 sugatan

DALAWANG tao ang nasawi at apat pa ang nasugatan nang maaksidente sa Pasuquin, Ilocos Norte, ang sports utility vehicle (SUV) na sinakyan ng barangay officials mula Burgos, Isabela, nitong Miyerkules. Nasawi sina Josephine Moises at Edmundo Martillano, kapwa barangay treasurer, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police. Sugatan naman ang driver na si Novelito […]

Higit 3,000 dakip sa gun ban

UMABOT na sa 3,105 katao ang naaresto para sa paglabag sa gun ban na ipinaututpad para sa palapit na mid-term elections, ayon sa National Police, Huwebes. Sa naturang bilang, 2,924 ay civilians, 57 security guard, 44 opisyal ng gobyerno, 32 pulis, limang sundalo, pitong mkyembro ng iba pang ahensiyang pangseguridad, dalawang tauhan ng Bureau of […]

Tanod namaril sa fiesta; 2 patay

DALAWANG lalaki ang nasawi nang pagbabarilin ng barangay tanod sa gitna ng isang pista sa Pilar, Capiz, nitong Miyerkules, ayon sa pulisya. Nasawi sina Fernando Piano, 29, at Joseph Bacanto, 24, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police. Naganap ang insidente dakong ala-1:30, sa Brgy. Dulangan. Naglalakad sina Piano at Bacanto sa feeder road […]

4 dakip sa P1.1B shabu

ARESTADO ang apat katao, kabilang ang tatlong Chinese, nang makuhaan ng aabot sa P1.1 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa magkasunod na buy-bust operation sa isang mall at kalapit na high-end village sa Muntinlupa City, Martes. Kabilang sa mga nadakip sina Go Kei-Kei, 40; Emmanuel Pascual, 79; at Chua Kian Kok, 43, ayon sa ulat […]

5 dakip; P1.34M shabu, marijuana samsam sa Cavite

LIMANG katao ang naaresto habang mahigit P1.34 milyon halaga ng hinihinalang shabu at marijuana ang nasamsam sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite, Lunes ng gabi. Unang nadakip sina Joan Tamisis at Cris Omictin nang makuhaan ng P782,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Salitran 3, dayong alas-7, yon […]

Quezon provincial police director sibak sa shootout

TINANGGAL sa tungkulin ang direktor ng Quezon provincial police matapos ang shootout sa Tayabas City na ikinasawi ng anak ng isang alkalde at kasama nito. Inalis sa puwesto si Col. Osmundo de Guzman at pinalitan ni Col. Joseph Arguelles bilang officer-in-charge, epektibo Martes, ayon sa memorandum mula sa PNP Directorate for Personnel and Records Management. […]

Ex-bf ng ni-rape/slay na dalagita arestado

INARESTO ng mga otoridad ang dating nobyo ng 16-anyos na dalagitang biktima ng karumal-dumal na panghahalay at pagpatay sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ang suspek, na 17-anyos, ay dating nobyo ni Christine Lee Silawan at nagturo ng dalawa pang may kinalaman din umano sa insidente, sabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac. Nadakip ng mg tauhan […]

Bahay sumabog: 2 patay

DALAWANG tao ang nasawi nang maganap ang pagsabog sa isang bahay sa Sto. Tomas, Batangas, Lunes ng tanghali, ayon sa pulisya. Natagpuan na lang na nakakalat aang mga nagkalasog-lasog na katawan ng mga di pa kilalang tao, ayon sa inisyal na ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang pagsabog sa Madison Garden Subdivision, Brgy. San […]

Jeep nabangin: 1 patay, 9 sugatan

ISANG lalaki ang nasawi at siyam pa katao ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang jeep sa isang bangin sa Tuba, Benguet, Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya. Dead on the spot ang isa sa mga pasahero, na nakilala bilang si Willy Malogat, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Kabilang sa siyam na sugatan […]

Trak vs. kotse: 2 patay, 2 kritikal

DALAWANG tao ang nasawi at dalawa pa ang malubhang nasugatan nang masalpok ng trak ang sinakyan nilang kotse sa Silang, Cavite, nitong Huwebes. Dead on arrival sa ospital ang driver ng kotse na si Rolando Cepeda, 57, ang ang kasama niyang nakasakay sa harap na si Analiza Sorio, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending