Jeep nabangin: 1 patay, 9 sugatan

By John Roson March 15,2019
share this

Jeep nabangin: 1 patay, 9 sugatan

By John Roson March 15,2019
share this

ISANG lalaki ang nasawi at siyam pa katao ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang jeep sa isang bangin sa Tuba, Benguet, Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang isa sa mga pasahero, na nakilala bilang si Willy Malogat, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Kabilang sa siyam na sugatan aang driver na si Edgardo Cassama, 37. Tatlo sa mga pasahero ang nagtamo ng matinding pinsala.

Naganap ang insidente dakong alas-3, sa Sitio Saguitlang, Brgy. Ansagan.

Minamaneho ni Cassama ang jeep sa pababang kurbada nang bigla umanong magloko ang preno.

Isinalpok ni Cassama ang jeep sa isang malaking bato para makaiwas sa kapahamakan, pero nagtuluy-tuloy pa ito sa bangin, ayon sa ulat. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending