DALAWANG tao ang nasawi nang maganap ang pagsabog sa isang bahay sa Sto. Tomas, Batangas, Lunes ng tanghali, ayon sa pulisya.
Natagpuan na lang na nakakalat aang mga nagkalasog-lasog na katawan ng mga di pa kilalang tao, ayon sa inisyal na ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang pagsabog sa Madison Garden Subdivision, Brgy. San Roque, dakong alas-11.
Ang pinangyariha’y nasa lote na napaliligiran ng konkretong pader at nasa dulo ng subdivision, at napaliligiran ng mga bahay na walang tao at bakanteng lote, ayon sa ulat.
Napag-alaman ng pulisya na may mga gumagawa ng improvised na blasting cap sa lugar at nakatagpo ng mga ganitong bagay doon, sabi ni Col. Edwin Quilates, direktor ng Batangas provincial police, sa isang panayam sa radyo.
Isang mag-asawa umano ang nasa loob ng bahay nang maganap ang pagsabog, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.