NASAWI ang isang dating police colonel na tumatakbo bilang konsehal sa Legazpi City, Albay, matapos barilin ng mga di pa kilalang salarin, Miyerkules ng hapon. Nakilala ang nasawi bilang si retired Senior Supt. Ramiro Bausa, residente ng lungsod, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Naganap ang insidente sa Brgy. Cagbacong, […]
ARESTADO ang isang ginang at umano’y kalaguyo nitong barangay chairman nang abutan sa motel sa San Jose City, Nueva Ecija, Martes. Bago ito, tumawag sa pulisya ang mister ng ginang dakong alas-11:30 ng umaga at humingi ng saklolo, dahil nakita umano ang misis na nagtungo sa motel, ayon kay Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng […]
NATAGPUANG patay ang isa sa mga suspek sa malagim na pagpatay sa isang ginang at dalawang anak, matapos umanong magbigti sa istasyon ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan, Martes ng umaga. Nadiskubre na lang ng isang kapwa detainee na nakabitin si Joselito Cortez sa banyo ng custodial facility, dakong alas-2, ayon kay […]
ARESTADO ang dalawang lalaki para sa malagim na pagpatay sa isang ina at dalawa nitong anak sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Natagpuan na lang na walang buhay at may mga saksak si Jaymee Casabuena, 28, at mga anak niyang sina Anton Gabriel, 8, at Joaquin Mateo, 4, sa loob ng kanilang bahay sa […]
NASAWI ang isang guro habang sugatan ang nobyang nakatakda niya nang pakasalan, nang pagbabarilin sa Ballesteros, Cagayan, iniulat ng pulisya Miyerkules. Itinakbo si Mark Alvin Sison, 34, at ang kasintahang si Olivia Turingan, 30, sa Ballesteros District Hospital, ngunit di na umabot nang buhay ang lalaki, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Inilipat […]
NASABAT ang mahigit 3.2 kilo ng cocaine, na nakatago sa children’s books, sa nang magsagawa ng operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), iniulat ng National Bureau of Investigation, Lunes. Naaresto sina Ma. Clara Bedico at Alvin Avila, na may dala sa kontrabando, at ang umano’y kasabwat nilang si Antonette Mendiola, ani NBI director Dante […]
LIMAMPU’T limang driver ang nag-positibo sa paggamit ng iligal na droga nang suriin ng Philippine Drug Enforcement Agency ang libu-libong nagmamaneho ng pampublikong sasakyan nitong Biyernes. Ang 55 ay kabilang sa 4,470 driver na sinuri sa 54 pangunahing terminal sa iba-ibang bahagi ng bansa, bilang bahagi ng Oplan “Harabas,” ayon kay PDEA spokesman Derrick Carreon. […]
AABOT sa P70.54 milyon halaga ng marijuana ang nasamsam at sinira nang salakayin ng mga awtoridad ang ilang plantasyon sa Tinglayan, Kalinga. Isinagawa ng mga pulis mula Tinglayan, Lubuagan, Pasil, at Balbalan, kasama ang Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency, ang operasyon sa Brgy. Loccong, mula Martes hanggang Huwebes. Nabunot ng mga […]
DALAWANG lalaki, kabilang ang isang barangay kagawad, ang napatay habang mahigit P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Maynila, Huwebes ng umaga. Napatay si Ronnie Labongray Jr. alyas “JR,” residente’t kagawad ng Brgy. 561, nang manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng raid sa kanyang bahay sa […]
TATLONG kasapi ng New People’s Army ang napatay at isa ang nadakip, habang dalawang pulis ang nasugatan nang salakayin ng alaking bilang ng mga rebelde ang istasyon ng pulisya sa Victoria, Northern Samar, Huwebes ng umaga. Narekober ng pulisya ang bangkay ng mga napatay na rebelde at nadakip ang isa pa, na sa huli’y […]