Updated: Police station inatake ng NPA: 3 rebelde patay, 1 dakip; 2 pulis, 4 sibilyan sugatan | Bandera

Updated: Police station inatake ng NPA: 3 rebelde patay, 1 dakip; 2 pulis, 4 sibilyan sugatan

John Roson - March 28, 2019 - 05:33 PM

TATLONG kasapi ng New People’s Army ang napatay at isa ang nadakip, habang dalawang pulis at apat na sibilyan ang nasugatan nang salakayin ng malaking bilang ng mga rebelde ang istasyon ng pulisya sa Victoria, Northern Samar, Huwebes ng umaga.

Narekober ng pulisya ang bangkay ng mga napatay na rebelde at nadakip ang isa pa, na sa huli’y nakilala bilang si Aljon Cardenas, 18, ng Calbayog City, sabi ni Lt. Col. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.

Sugatan sina SMSgt. Arturo Gordo Jr., na tinamaan ng shrapnel sa mata’t ilong, at MSgt. Arnold Cabacang, na tinamaan ng shrapnel sa mukha.

Aabot sa 50 rebelde ang umatake sa istasyon dakong alas-3:44.

“They arrived in the town aboard two Forward trucks and were armed with high-powered firearms, sporting military fatigue uniforms, and used yellow strips of cloth tied to their heads as their ‘countersign,'” ani Rentuaya.

Napansin ng mga pulis na may mga babaeng kabilang sa mga umatake, aniya.

Dahil sa pag-atake, umakyat sa rooftop ng istasyon ang 15 pulis na pinamumunuan ni Lt. Eladio Alo, officer-in-charge ng Victoria Police, at doon nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde.

Dakong alas-4, inatasan ni regional police director Brig. Gen. Dionardo Carlos ang iba pang alagad ng batas sa Calbayog at Lavezares na i-reinforce ang Victoria Police, ani Rentuaya.

Tumagal ang palitan ng putok hanggang alas-6:40, bago umatras sa iba-ibang direksyon ang mga nakaligtas na rebelde.

Bukod sa mga nasawi’t nadakip na kasapi ng NPA, nakareober ang pulisya ng M60 light machine gun, dalawang M16 rifle, at isang M14 rifle mul sa puesto ng mga rebelde, ani Rentuaya.

4 sibilyan sugatan

Ilang oras matapos ang bakbakan, napag-alaman na may ginawa ring pag-atake ang NPA sa Brgy. Libertad, Victoria, kung saan apat na sibilyan ang nasugatan.

Pinara at pinaulanan ng bala ng di mabatid na bilang ng armado ang isang Toyota Vios na galing San Jose at patungong San Isidro, dakong alas-4, ani Rentuaya.

Pinaniniwalaan na ang mga naturang armado’y nagsilbi bilang “blocking force” ng mga kasapi ng NPA na sumalakay sa police station, aniya.

“Noong mag-withdrew ang [mga rebelde], they shot civilians. This is a desperate move,” ani Rentuaya.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang driver ng kotse na si Samuel Ilustre, utility worker ng San Jose local government; at mga sakay niyang sina Wilta Tejero, 74; Wilta Tejero Jr., 44; at Shai Sanchez, 17.

Nakaligtas nang walang galos ang isa pang pasahero na si Mariquel Sanchez, 53.

Sa kabila ng mga tinamong pinsala, nagawa namang paandarin ni Ilustre ang kotse palayo.

Kasunod nito’y namataan sila ng isa pang motoristang naka-van at dinala sila sa Allen District Hospital.

Pgdaka’y inilipat ang mga sugatan sa Northern Samar Provincial Hospital, kung saan sila natagpuan ng mga pulis dakong alas-9.

Samantala, pinuri ni National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang Victoria Police di lang para sa pagtaboy sa mga rebelde sa istasyon, kundi pati sa “presence of mind” at estratehiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakapatay sila ng tatlo at nakaaresto ng isa. That is very commendable… Pumunta sila sa 2nd or 3rd floor ng kanilang station at doon sila nakipaglaban. Of course, in any firefight, ang sabi nga nila, you always occupy the high ground,” ani Albayalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending