Higit 3.2 kilo cocaine tinago sa children's books, nasabat sa NAIA | Bandera

Higit 3.2 kilo cocaine tinago sa children’s books, nasabat sa NAIA

John Roson - April 01, 2019 - 07:25 PM

NASABAT ang mahigit 3.2 kilo ng cocaine, na nakatago sa children’s books, sa nang magsagawa ng operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), iniulat ng National Bureau of Investigation, Lunes.

Naaresto sina Ma. Clara Bedico at Alvin Avila, na may dala sa kontrabando, at ang umano’y kasabwat nilang si Antonette Mendiola, ani NBI director Dante Gierran.

Isinagawa ng mga tauhan ng NBI Special Action Unit (SAU) ang unang bahagi ng operasyon noong Huwebes sa isang fastfoot outlet sa NAIA-3, at ang followup sa Pasig City, Biyernes.

Bago ito, nakatanggap ang NBI ng impormasyon na magbibiyahe si Bedico ng droga sa Thailand, at pagkatapos ay dadalhin ito sa Brazil, ani Gierran.

Nang mamataan sina Bedico at Avila sa fastfood outlet, ininspeksyon ng mga tauhan ng SAU ang kanilang travelling bag, at natagpuan sa loob ang limang children’s books na pawang mga naka-selyo.

Napansin ng mga operatiba na sobra sa bigat ang mga libro, kaya binuksan ang selyo’t nadiskubre ang cocaine na nakapaloob sa mga hardbound cover, ani Gierran.

Napag-alaman na makikipagkita sina Bedico at Avila kay Mendiola sa Pasig City, kaya isinagawa ang follow-up.

Si Mendiola umano ang iinspeksyon at magtatago ng bag habang nagre-rebook si Bedico ng flight patungong Thailand.

Ayon sa NBI, nagrerecruit ang Western African Drug Syndicate ng mga Pilipinang gagamitin bilang courier ng droga, sa pamamagitan ng social media.

Maaaring ginagamit ng mga drug smuggler ang pribilehiyo ng mga Pilipino na makapasok ng Thailand nang walang visa, ayon kay Emeterio Dongallo Jr., hepe ng SAU.

Sa tala ng Dangerous Drugs Board, mahigit P17.4 milyon ang halaga ng nakumpiskang cocaine. Ayon kay Dongallo, ang “street value” naman ng ganoon karaming cocaine ay nasa P30 milyon hanggang P45 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending