Higit P70M marijuana sinira sa Kalinga | Bandera

Higit P70M marijuana sinira sa Kalinga

John Roson - March 29, 2019 - 05:34 PM

AABOT sa P70.54 milyon halaga ng marijuana ang nasamsam at sinira nang salakayin ng mga awtoridad ang ilang plantasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Isinagawa ng mga pulis mula Tinglayan, Lubuagan, Pasil, at Balbalan, kasama ang Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency, ang operasyon sa Brgy. Loccong, mula Martes hanggang Huwebes.

Nabunot ng mga operatiba ang 337,700 fully-grown marijuana sa mga tanimang ay kabuuang sukat na 18,550 square meters, ayon kay Brig. Gen. Ephraim Dickson, direktor ng Cordillera regional police.

Bukod dito, nakasamsam pa sila ng 20,000 gramo ng marijuana stalks at 5,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, aniya.

Ayon kay Dickson, magpapatuloy ang operasyon lban sa pagtatanim ng marijuana at regular na bibisitahin ng pulisya ang mga plantasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending