Ex-police colonel na tumatakbong konsehal patay sa pamamaril
NASAWI ang isang dating police colonel na tumatakbo bilang konsehal sa Legazpi City, Albay, matapos barilin ng mga di pa kilalang salarin, Miyerkules ng hapon.
Nakilala ang nasawi bilang si retired Senior Supt. Ramiro Bausa, residente ng lungsod, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.
Naganap ang insidente sa Brgy. Cagbacong, dakong alas-3.
Bibisitahain umano ni Bausa, na isang independent candidate, ang isang kaibigan sa naturang lugar nang siya’y barilin, sabi ni Calubaquib nang kapanayamin ng Bandera sa telepono.
Napag-alaman na natagpuan ang bahay ng biktima malapit sa isang abandonadong bahay, aniya.
Sa sketchy police report na nakarating sa Camp Crame, sinasabing may nadinig na limang putok ng baril at namataang mga di kilalang tao sa lugar.
Kulang pa sa detalye at kailangan pa ng paglilinaw ng naturang ulat, ayon sa pulisya.
Dating nagsilbi si Bausa bilang direktor ng Camarines Sur Police Provincial Office.
Iniimbestigahan pa ang pagpatay habang isinusulat ang istoryang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.