2 dakip sa pagmasaker sa mag-iina | Bandera

2 dakip sa pagmasaker sa mag-iina

John Roson - April 04, 2019 - 04:50 PM

ARESTADO ang dalawang lalaki para sa malagim na pagpatay sa isang ina at dalawa nitong anak sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Natagpuan na lang na walang buhay at may mga saksak si Jaymee Casabuena, 28, at mga anak niyang sina Anton Gabriel, 8, at Joaquin Mateo, 4, sa loob ng kanilang bahay sa Carissa Homes 2a, Brgy. Kaypian, alas-8:30 ng gabi Miyerkules, ayon kay Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.

Halos bloated at pinaniniwalaang ilang oras nang patay ang mga biktima nang sila’y matagpuan, aniya.

Sa tulong ng ilang kapitbahay at kaanak, nakilala at natunton ang mga suspek na sina Wilson Nosal, 23, at Joselito Cortez, 48, sa Caloocan City at Brgy. San Manuel, San Jose Del Monte, Huwebes ng umaga, ani Bersaluna.

Sa pagtatanong, sinabi ng mga suspek na binalak lang nilang pagnakawan ang mga biktima pero nanlaban ang mga ito kaya nila pinagsasaksak.

Sinabi pa sa pulisya ni Wilson, live-in partner ng isang kaanak ni Jaymee Casabuena, na kinuha nila ang cellphone ng ginang at ibinenta nila ito sa halagang P200.

Napag-alaman sa isang kapitbahay ni Casabuena na noong Martes ng gabi’y may nadinig siyang mga kumakatok sa bahay ng ginang.

Nang gabi ring iyo’y may mga bata na nakakita sa dalawang lalaki sa bahay ni Casabuena nang magtungo sila doon para hanapin ang isa sa mga anak ng ginang, na kanilang kalaro.

Inihayag naman ng isang pinsan ni Casabuena na nakapag-text pa sa kanya ang biktima at tinanong kung bakit nasa bahay nito si Wilson at isang kasama, na kapwa lasing.

Hinahandaan na ng kasong robbery with homicide ang mga suspek, ani Bersaluna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending