Trak vs. kotse: 2 patay, 2 kritikal

By John Roson March 15,2019
share this

Trak vs. kotse: 2 patay, 2 kritikal

By John Roson March 15,2019
share this

DALAWANG tao ang nasawi at dalawa pa ang malubhang nasugatan nang masalpok ng trak ang sinakyan nilang kotse sa Silang, Cavite, nitong Huwebes.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng kotse na si Rolando Cepeda, 57, ang ang kasama niyang nakasakay sa harap na si Analiza Sorio, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Nilulunasan pa sa pagamutan ang iba pang sakay na sina Krizzele Pantaleon, 20, at Rison Lloren, 19.

Naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga, sa bahagi ng Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Lalaan 1.

Minamaneho ni Cepeda ang kotse pa-hilaga, nang masalpok ng kasalubong na aluminum wing van na dala ni Daniel Benitez, 52.

Lumabas sa imbestigasyon na sinubukang ipasok ni Cepeda ang kotse sa gasolinahan sa kaliwa ng kalsada, ngunit nag-atubili at nagtangkang bumalik sa kanyang lane, hanggang sa masalpok ng parating na trak. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending