PNP pasok sa 'crowd control' sa pagrarasyon ng tubig | Bandera

PNP pasok sa ‘crowd control’ sa pagrarasyon ng tubig

John Roson - March 14, 2019 - 04:14 PM

INATASAN ni National Police chief Gen. Oscar Albayalde ang mga unit ng pulisya na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa water rationing points, na dinudumog sa gitna ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.

“Local PNP units are directed to ensure the safety and security of water service providers against unruly crowds and persons who may want to provoke chaos in the water distribution points,” ani Albayalde.

Patrikular na inatasan ang mga pulis na tumulong sa mga opisyal ng barangay sa pagpapanatili ng kaayusan, upang mapaigi at organisado ang pamamahagi ng tubig, ani PNP spokesman Col. Bernard Banac.

Inatasan din ang mga alagad ng batas na maging mapagmatyag sa walang pakundagang pagkuha ng tubig sa fire hydrants at mga pangunahing daluyan ng tubig, aniya.

Samantala, inatasan din ni Albayalde ang mga pulis sa mga lugar na apektado ng water shortage na magpatupad ng mga paraan sa pagtitipid ng tubig sa kanilang mga kampo at tanggapan, upang makatulong sa pag-iwas sa posibleng krisis, lalo na’t bumubugso pa lang ang tag-init.

Bawat headquarters support unit sa mga kampo at iba pang pasilidad ay inatasang magtalaga ng mga inspektor na sisita sa pag-aaksaya ng tubig, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending