ISINAILALIM sa surprise drug test ang matataas na lider ng National Police sa Camp Crame, Huwebes. Kabilang si PNP chief Gen. Archie Gamboa sa 66 star-rank officers, o heneral, na sumailalim sa biglaang pagsusuri na isinagawa sa kasagsagan ng command conference. Ang iba pang sumailalim sa “on-the-spot” na pagsusuri ay mga miyembro ng command group, […]
APAT na sundalo ang nasugatan nang maaksidente ang sinakyan nilang military truck sa Tanauan City, Batangas, Miyerkules ng umaga. Ang apat ay bahagi ng convoy na tumulong sa isang grupo na magdala ng relief goods sa mga residente ng Laurel at Agoncillo na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano, sabi ni Brig. Gen. Marceliano Teofilo, […]
ARESTADO ang isang lalaki, tatlo niyang anak, at dalawa pang tao nang salakayin ng mga otoridad ang isa umanong drug den sa Sta. Ana, Manila, Martes ng umaga. Kabilang sa mga nadakip sina Rowel Mijares alyas “Toto,” 43, at mga anak niyang sina Justine alyas “Tin-tin,” 21; Joshua, 19; at Jonaliza, 18, ayon kay Joel […]
DINAMPOT ng mga otoridad ang isang babaeng Thai national nang makuhaan ng aabot sa P28.05 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City, Lunes ng madaling-araw. Nakilala ang nadakip bilang si Pakjira Janwong, 27, isang turista, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region. Isinagawa ng mga tauhan ng […]
DALAWANG lalaki ang arestado at aabot sa P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasabat, nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Sta. Elena, Camarines Norte, Linggo ng gabi. Nakilala ang mga naaresto bilang sina Marlon Abueva, 25, residente ng Padre Burgos, Quezon; at Anacleto Aquino, 37, ng Ragay, Camarines Sur, ayon sa ulat […]
BALAK ilikas ng pamahalaan ang mga Pilipinong nasa mga bahagi ng China na tinamaan ng 2019 novel Coronavirus (2019-NCoV). Inihayag ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council chairman Delfin Lorenzana ang plano matapos ianunsyo ng gobyerno ang unang kumpirmadong kaso ng 2019-NCoV sa Pilipinas. “We are preparing for evacuation and quarantine… […]
DALAWANG tao ang nasawi nang magsalpukan ang mga sinakyan nilang motorsiklo sa Ibaan, Batangas, Martes ng gabi. Kapwa dead on arrival sa ospital sina Anastacio Bayeta at Elbert Caraig, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente sa bahagi ng National Road na sakop Brgy. Pangao, at naiulat sa lokal na pulisya alas-11:30. […]
TATLO ang patay, samantalang dalawang iba pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Taguig City Martes ng hapon. Nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Ninjie Zhang, alyas Kauyu, isang Chinese national at ang Pinoy na nakilala sa alyas na Noel, ayon sa inisyal na ulat ng Southern Police District. Sugatan […]
ANIM na hinihinalang drug pusher ang napatay nang umano’y manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa magkakahiwalay na bahagi ng Luzon, Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling-araw. Sa pinakahuling insidente, napatay si Khalid Kasan at naaresto ang kasabwat niyang si Lucky Cris San Pascual sa San Jose del Monte City, Bulacan, […]