Thai dakip sa higit P28M shabu sa NAIA | Bandera

Thai dakip sa higit P28M shabu sa NAIA

John Roson - February 03, 2020 - 04:38 PM

DINAMPOT ng mga otoridad ang isang babaeng Thai national nang makuhaan ng aabot sa P28.05 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City, Lunes ng madaling-araw.

Nakilala ang nadakip bilang si Pakjira Janwong, 27, isang turista, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region.

Isinagawa ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang operasyon nang dumating si Janwong sa paliparan sakay ng AirAsia Zest Flight Z2 288 mula Bangkok, Thailand, dakong ala-1:40.

Nakuhaan ang banyaga ng humigit-kumulang 4.125 kilo ng umano’y shabu, na nakatago sa compartment ng kanyang maleta, nang isailalim siya sa screening at inspeksyon, ayon kay Joel Plaza, direktor ng PDEA-NCR.

Ipinasusuri na sa PDEA Laboratory Service ang nasabat na kontrabando, habang hinahandaan ang banyaga ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending