John Roson Archives | Page 18 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 18 of 149 | Bandera

Bangkay natagpuan sa Taal Volcano

NATAGPUAN ang bangkay ng isa umanong biktima ng pagputok ng Taal Volcano sa bahagi ng bulkan na sakop ng San Nicolas, Batangas, nitong Sabado. Nadiskubre ang bangkay dakong alas-12:30 ng tanghali, sa bahagi ng volcano island na nasa Brgy. Alas-as, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Ipinasusuri pa ang bangkay sa mga imbestigador ng […]

Espenido nasa drug watchlist – DILG chief

INAMIN ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na kasama sa drug watchlist ng pamahalaan ang kontrobersyal na police official na si Lt. Col. Jovie Espenido. “I can only confirm that he (Espenido) is included in the list… As to the details why he was included, its the PDEA and PNP who can answer […]

PNP official na nanghablot ng cellphone promoted ulit

MULING na-promote ang police official na nanghablot ng cellphone ng isang television reporter noong kasagsagan ng pista ng Itim na Nazareno sa Maynila noong Enero. Itinalaga si Brig. Gen. Nolasco Bathan bilang deputy regional director for administration, ang ikalawang pinakamataas na puwesto, sa National Capital Regional Police Office, ayon sa PNP. Naganap ang paglilipat isang […]

10 kilong marijuana nasabat sa QC

ARESTADO ang isang 24-anyos na estudyante nang makuhaan ng aabot sa 10 kilong marijuana sa operasyon kontra iligal na droga, sa Cubao, Quezon City, Huwebes ng umaga. Dinakip si Karlo Jose Pio Ricafrente, residente ng Santolan, Pasig City, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region. Isinagawa ng PDEA units mula NCR, Central […]

4 malaking sasakyan nag-karambola: 1 patay, di bababa ‪sa 2‬ sugatan

ISANG tao ang nasawi at di bababa sa dalawa ang nasugatan nang mag-karambola ang apat na malaking sasakyan sa Del Gallego, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga. Nasawi si Lorenzo Alinsub, 49, ng Muntinlupa City, driver ng pa-timog na Silverstar bus (WOG-721) na nasangkot sa insidente, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional […]

Ro-ro pinasabugan sa Masbate

NAGTAMO ng pinsala ang isang roll-on/roll-off (ro-ro) ferry nang pasabugan ng mga di pa kilalang salarin, sa pantalan ng San Pascual, Masbate, Martes ng umaga. Nagtamo ng pinsala ang life ring at airconditioner ng M/V Virgen de Peñafrancia 6 dahil sa shockwave na dulot ng pagsabog, sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol […]

P68M shabu nasabat ‪sa 2‬ banyaga sa QC

ARESTADO ang dalawang banyaga nang makuhaan ng aabot sa P68 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Martes ng umaga. Nakilala ang dalawa bilang sina Lawrence Ikegwuruka, 27, Nigerian; at Michella Augustine, 23, na katutubong Malagasy sa bansang Madagascar, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kapwa nakatira ang dalawa […]

Brgy cleanup inararo ng SUV: 2 patay, 8 sugatan

DALAWANG tao ang nasawi at walo pa ang nasugatan nang araruhin ng sports utility vehicle ang ilang opisyal ng barangay at residenteng nagsasagawa ng cleanup o paglilinis, sa San Pablo, Isabela, Martes ng umaga. Dead on arrival sa ospital sina Ambrocio Lagundi at Rodrigo Pacion, kapwa tanod ng Brgy. Ballacayu, ayon sa ulat ng Isabela […]

Sakla sa lamay bawal na – NCRPO chief

IPINAGBAWAL na rin ng pulisya ang paglalaro ng sakla at iba pang sugal sa mga lamay sa Metro Manila. “Nag-issue ako ng directive na, unang-una, maski sa patay, bawal po [ang sugal],” sabi ni Maj. Gen. Debold Siñas, direktor ng National Capital Region Police Office, sa isang pulong-balitaan. “Kinausap na namin ‘yung ibang local executive […]

Lambanog pumatay ulit

ISA na namang tao ang nasawi dahil umano sa pag-inom ng lambanog, sa Pagbilao, Quezon, nitong Linggo. Naganap ang insidente habang di pa binabawi ang pansamantalang ban sa pagbebenta ng lambanog sa Calabarzon. Binawian ng buhay ang 50-anyos na si Alvin Luna dakong alas-12:45 ng tanghali, habang nilulunasan sa ospital, ayon sa ulat ng Calabarzon […]

3 sugatan sa ‘road rage’ shooting

TATLONG lalaki, kabilaang ang isang binatilyo, ang nasugatan sa pamamaril na bunsod umano ng road rage, sa Candelaria, Quezon, Linggo ng madaling-araw. Itinakbo sa pagamutan sina Arnold Estolano, 19; Kien Ivan Delos Reyes, 18; at John Henry Genove, 14, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending