Sakla sa lamay bawal na - NCRPO chief | Bandera

Sakla sa lamay bawal na – NCRPO chief

John Roson - February 10, 2020 - 05:54 PM

IPINAGBAWAL na rin ng pulisya ang paglalaro ng sakla at iba pang sugal sa mga lamay sa Metro Manila.

“Nag-issue ako ng directive na, unang-una, maski sa patay, bawal po [ang sugal],” sabi ni Maj. Gen. Debold Siñas, direktor ng National Capital Region Police Office, sa isang pulong-balitaan.

“Kinausap na namin ‘yung ibang local executive na hindi dahil may patay, maglalagay ka na ng malaking saklaan dun,” aniya pa.

Ayon kay Siñas, ang pagbabawal ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa iligal na sugal.

Ito ay sa kabila ng nakagawian nang pagpapalaro ng sakla, tong-its, pusoy, at iba pang card games sa mga lamay para makalikom ng dagdag na perang panggastos ang mga naulila ng patay.

Nakagawian na rin ang mga naturang laro para mapanatiling gising ang mga dumadalo sa lamay.

Ayon kay Siñas, hindi naman porke may nagaganap na sakla o iba pang sugal sa lamay ay agad itong sasalakayin ng mga pulis.

“Ang guidance ko, pakiusapan muna tapos kung ayaw, saka i-raid para hindi naman nila masabi na wala kaming konsiderasyon,” aniya.

Bukod sa mga lamay, ipinagbawal na rin ng NCRPO ang pagpapalaro ng color game at sabong sa mga piyesta.

Sinabi ni Siñas na kung sakaling di talaga maiiwasan ang pagpapasugal sa piyesta at lamay, kailangang humingi ng mga magpapalaro ng permiso sa Games and Amusements Board.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending