NATAGPUAN ang bangkay ng isa umanong biktima ng pagputok ng Taal Volcano sa bahagi ng bulkan na sakop ng San Nicolas, Batangas, nitong Sabado.
Nadiskubre ang bangkay dakong alas-12:30 ng tanghali, sa bahagi ng volcano island na nasa Brgy. Alas-as, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Ipinasusuri pa ang bangkay sa mga imbestigador ng pulisya, ayon sa ulat.
Sa isang ulat sa radyo, sinasabing nakilala ang nasawi bilang si Marlon Deteral, sa pamamagitan ng isa nitong tattoo.
Nalibing sa putik ang bangkay at nadiskubre lang nang magtungo sa isla ang isang residente para maghukay ng gamit, ayon sa ulat.
Sa tala ng pulisya, sinasabing isa pang lalaki, na nakilala bilang si Alexander Dando Jr., ang nawawala pa sa Brgy. Alas-as, San Nicolas, mula nang pumutok ang Taal Volcano noong Enero 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.