3 sugatan sa 'road rage' shooting | Bandera

3 sugatan sa ‘road rage’ shooting

John Roson - February 09, 2020 - 03:17 PM

TATLONG lalaki, kabilaang ang isang binatilyo, ang nasugatan sa pamamaril na bunsod umano ng road rage, sa Candelaria, Quezon, Linggo ng madaling-araw.

Itinakbo sa pagamutan sina Arnold Estolano, 19; Kien Ivan Delos Reyes, 18; at John Henry Genove, 14, dahil sa mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa kalye ng Purok 3, Brgy. Mangilag Norte, dakong ala-1.

Minamaneho ni Estolano ang isang motorsiklo, angkas sina Delos Reyes at Genove, nang makasalpukan ang isa pang motor na dala ni Ladislao Tubo, 44, residente ng naturang lugar.

Dahil dito, nagalit ang angkas ni Tubo, bumunot ng baril, at pinaputukan ang mga sakay ng kabilang motor, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Narekober sa pinangyarihan ang tatlong basyo at isang slug ng kalibre-.45 pistola.

Inaalam pa ang kinaroroonan ni Tubo at ng kanyang di pa kilalang angkas dahil agad silang tumakas matapos ang insidente, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending