Ian Sia humingi ng tawad, inaming mali ang biro sa single mothers

Ian Sia humingi ng tawad, inaming mali ang biro sa single mothers

Therese Arceo - April 05, 2025 - 05:42 PM

Ian Sia humingi ng tawad, inaming mali ang biro sa single mothers

NAG-SORRY ang congressional candidate ng Pasig City na si Christian Sia o mas kilala bilang Ian Sia sa binitawan niyang joke patungkol sa mga kababaihan.

Nitong Biyernes, April 4, humingi ng tawad ang kandidato matapos mag-viral ang sexually-charged joke niya sa mga single mothers habang nangangampanya.

Amin ni Sia, binitiwan lamang niya ang joke para makuha ang atensyon ng audience.

Dapat raw ay magalit ang mga tao sa gumawa ng video dahil hindi nito pinakita ang mga tumawa sa joke.

Baka Bet Mo: Ian Sia instant celebrity sa ‘single mother’ joke, Shamcey pumalag

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Wag po kayo magalit sakin, magalit po kayo sa gumawa ng video… Ang nakita lang sa video yung sinabi, pero yung reaksyon ng tao, hindi nakita na tumawa, yun lang ang purpose ng joke,” saad ni Sia.

Pagpapatuloy niya, “Pag nagsasalita ako, tipikal mahaba na [dahil] nakapagsalita na lahat [sa slate] so yung mga tao naiinip, na ayaw na makinig, so ginugulat ko lang ng joke so yung atensyon napupukaw.”

Sa kabila nito ay humihingi siya ng tawad sa mga na-offend sa kanyang ginawa.

“Ngunit ako ay nakasakit sa aking sinabi, humihingi po ako ng taos-pusong dispensa,” sey ni Sia.

Sa hiwalay na press conference ay nag-sorry rin siya at sinabing hindi dapat niya binitawan ang ganoong klaseng joke.

Sey ni Sia, “Inaako ko po ang responsibilidad sa mga nabitawan kong salita. I’m sorry po na lumabis ang aking mga salita at mali po ang napili kong biro para magpatawa sa isang political caucus.

“Now I better understand the phrase that the road to hell is paved with good intentions. Hindi po sapat na mabuti ang ating intensyon, importante din po ang epekto ng ating mga salita lalo na ang ating mga gawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana raw ay magsilbing aral para sa iba ang nangyari sa kanya.

“Sana po ay magsilbing aral din po sa lahat ng public figures na maituturing — whether national or local — na timbanging maigi ang ating pagsasalita,” ani Sia.

Samantala, sinabi ng Commission on Elections o Comelec na hindi nila palalgpasin ang insidente at binalaan ang iba pang mga tumatakbo na maging maingat sa kanilang pangangampanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending