PNP official na nanghablot ng cellphone promoted ulit | Bandera

PNP official na nanghablot ng cellphone promoted ulit

John Roson - February 14, 2020 - 07:24 PM

MULING na-promote ang police official na nanghablot ng cellphone ng isang television reporter noong kasagsagan ng pista ng Itim na Nazareno sa Maynila noong Enero.

Itinalaga si Brig. Gen. Nolasco Bathan bilang deputy regional director for administration, ang ikalawang pinakamataas na puwesto, sa National Capital Regional Police Office, ayon sa PNP.

Naganap ang paglilipat isang linggo lang makaraang alisin si Bathan bilang pinuno ng Southern Police District at gawing deputy regional director for operations.

Pumalit kay Bathan bilang deputy regional director for operations si Brig. Gen. Florendo Quibuyen.

Matatandaan na si Bathan ay inakusahan ni GMA-7 reporter Jun Veneracion sa paghablot ng kanyang cellphone noong kasagsagan ng traslacion ng Itim na Nazareno.

Nang maibalik kay Veneracion ang cellphone ay halos nabura na ang kinunan niyang pagdamba ng mga pulis sa isa umanong deboto.

Inamin ni Bathan na siya ang kumuha ng cellphone at humingi ng paumanhin, pero itinanggi na siya ang nagbura o nag-utos ng pagbura sa video ni Veneracion.

Ang paglilipat ng puwesto kina Bathan at Quibuyen ay bahagi ng pinakahuling “reorganization” sa pamunuan ng NCRPO na inutos ni PNP chief Gen. Archie Gamboa, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending