outbrain

10 kilong marijuana nasabat sa QC

By John Roson February 13,2020
share this

10 kilong marijuana nasabat sa QC

By John Roson February 13,2020
share this

ARESTADO ang isang 24-anyos na estudyante nang makuhaan ng aabot sa 10 kilong marijuana sa operasyon kontra iligal na droga, sa Cubao, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Dinakip si Karlo Jose Pio Ricafrente, residente ng Santolan, Pasig City, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region.

Isinagawa ng PDEA units mula NCR, Central Luzon, Cordillera, at Quezon City Police ang interdiction operation sa isang terminal ng bus sa Brgy. E. Rodriguez, EDSA.

Dala ni Ricafrente sa bus ang aabot sa 10 kilo o P1.2 milyon halaga ng marijuana, ayon naman sa ulat ng pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending