PATAY ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis matapos manutok, sa Calauan, Laguna, nitong Sabado. Dead on arrival sa ospital ang suspek na si Ariel San Gabriel, 48, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng umaga, sa Brgy. Balayhangin. Dumadaan ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch sa […]
ISANG lalaki ang nasawi at siyam pa ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang pick-up sa isang bahay sa Lopez, Quezon, Sabado ng gabi. Dead on the spot ang isa sa mga pasahero ng pick-up na si Edwin Bunagua, residente ng Catanauan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Dinala ang driver na si Rolando […]
ISANG sundalo ang nasawi at dalawang pulis ang nasugatan nang magbarilan sa Marikina City, Biyernes ng umaga. Napatay si Ssgt. Marvin Balucas, miyembro ng Armed Forces, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office. Sugatan naman sina EMsgt. Demetrio Magpali at Ssgt. Edward Yap, na kapwa tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group. […]
DALAWANG tao ang nasugatan nang mahulog ang isang mini-truck na pag-aari ng gobyerno, sa isang banginsa Baguio City, Biyernes ng umaga. Itinakbo sa pagamutan ang driver na si Ronnie Lazaro at sakay niyang si Manny Astudillo para malunasan, ayon sa ulat ng Baguio City Police. Naganap ang insidente sa Tetep-an Road, Brgy. Bakakeng Sur, dakong […]
LIMA katao, kabilang ang isang bumbero, ang nasugatan habang tinatayang P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Tondo, Manila, Huwebes ng madaling-araw. Kabilang sa mga sugatan sina Reynaldo Tostuna Jr., 46; Mike Dimalanta, 23; Robert Santilises, 41; at isang JL Data, 27, na pawang […]
‘Babatukan ko ‘yan’. Ito ang resbak ni Calabarzon regional police director Brig. Gen. Vicente Danao kay Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan matapos namang ang kanyang panawagan sa mga residente na bumalik na sa kani-kanilang mga tahanan sa kabila naman ng babala na posible pang sumabog ang Bulkang Taal. “Sa mga kababayan natin na matigas ang […]
NAHAHARAP sa kaso ang isang 58-anyos na lalaki sa Infanta, Quezon, matapos umanong halayin ang 5-anyos niyang apo. Inireklamo ng bata at kanyang ama ang suspek sa lokal na pulisya Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Sinabi sa pulisya ng bata na nasa bahay siya ng kanyang lolo noong Disyembre 6 […]
NAKA-ALERTO ang health authorities sa Western Visayas kasunod ng pagpasok sa rehiyon ng tatlong banyaga na hinihinlang may dala ng misteryosong virus na kumakalat sa China. Tatlong tao ang sinuri ng mga doktor mula sa Bureau of Quarantine matapos dumating sa Kalibo International Airport, sabi ni Dr. Leslie Ann Luces, ng Aklan Provincial Health Office. […]
PATAY ang isang lalaki nang masalpok ng 10-wheeler truck ang sinakyan niyang motorsiklo, sa Paoay, Ilocos Norte, Huwebes ng gabi. Dead on the spot si Raymund Villaros, 22, dahil sa matinding pinsala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Ilocos Norte provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-9, sa bahagi ng Paoay-Balacad Road na sakop […]