DALAWANG tao ang nasugatan nang mahulog ang isang mini-truck na pag-aari ng gobyerno, sa isang banginsa Baguio City, Biyernes ng umaga.
Itinakbo sa pagamutan ang driver na si Ronnie Lazaro at sakay niyang si Manny Astudillo para malunasan, ayon sa ulat ng Baguio City Police.
Naganap ang insidente sa Tetep-an Road, Brgy. Bakakeng Sur, dakong alas-10.
Sadyang hininto ni Lazaro sa paakyat na kalsada ang KIA K2700 mini-truck (SEL-866) ng Baguio Water District para sana magbaba ng buhangin, pero bigla itong gumulong paatras, ayon sa ulat.
Sumalpok pa sa gutter ang sasakyan bago nagtuluy-tuloy sa pag-atras, hanggang sa mahulog sa banging may lalim na aabot sa 10 metro at bumagsak sa isang poultry house doon, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.