HALOS P160 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa magkakahiwalay na operasyon ng mga 0toridad sa Sorsogon, Cavite, at Las Piñas City, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga. Sa pinakahuling operasyon, aabot sa P136 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat operasyon sa Matnog Port ng Sorsogon. Dalawang tao, na nakilala bilang sina […]
DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang government ambulance sa isang bangin sa Bontoc, Mountain Province, Martes ng umaga. Nasawi ang driver na si Franklin Angawa at isa sa mga sakay na si Kurt Akiate, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Sugatan naman ang iba pang sakay […]
AABOT sa 23,701 katao na ang nagsilikas sa Batangas dahil sa pagputok ng Taal Volcano, ayon sa Office of Civil Defense-Calabarzon. Ang bilang ng mga evacuee, na mula sa 24 bayan at lungsod, ay naitala sa 73 evacuation center dakong alas-5 ng umaga Lunes, ayon sa ahensiya. May naitala ring 1,396 kataong nagsilikas sa Tagaytay […]
PATAY ang isang construction worker nang mabagsakan ng pader ng itinatayong pabahay, sa Calamba City, Laguna, nitong Biyernes. Nakilala ang nasawi bilang si Danilo Swela, 59, residente ng Villa Andrea, Brgy. Kay-anlog, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga, at naiulat sa pulisya alas-11:45. Sinabi sa pulisya ng […]
NATAGPUANG patay ang 16-anyos na dalagitang may kapansanan matapos gulpihin at saksakin, sa Tayabas City, Quezon, nitong Huwebes. Hinihinalang hinalay pa ang biktima, kaya ipinasusuri ang katawan nito. Natagpuan ng kanyang ama ang mga labi ni Danica Necerio dakong alas-6 ng umaga, sa Brgy. Ibabang Bukal, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Kinakitaan ang […]
TATLONG natustang katawan na pinaniniwalaang kay dating Batangas 2nd district Rep. Edgar Mendoza, kanyang driver at bodyguard, ang natagpuan sa loob ng isang sunog na kotse sa isang tulay sa Tiaong, Quezon, kaninang umaga. Sinabi ni Col. Audie Madrideo, Quezon provincial police director, na pinaniniwalaang bangkay ni Mendoza ang natagpuan matapos naman ang narekober na […]
HUMIGIT-kumulang 29,500 katao ang dumagsa sa Quirino Granstand sa Luneta, Maynila, ngayong Miyerkules, para makahalik sa imahe ng Itim na Nazareno bago ang traslacion, o prusisyon, sa Huwebes. Naitala ang bilang dakong alas-6 ng gabi, habang nagpapatuloy ang “pahalik,” ayon sa ulat ng Manila Police District. Kasabay nito’y may naitala na humigit-kumulang 7,000 deboto […]
MAHIGIT 16,000 pulis, sundalo, at miyembro ng iba pang uniformed services ang ikakalat para tiyakin ang seguridad sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila sa Enero 9. Kabilang sa mga ito ang mahigit 2,100 pulis na magsisilbi bilang “pader” sa harap at magkabilang gilid ng andas o karosa ng poon, habang ito’y ipinaparada mula […]
PATAY ang isang barangay kagawad na nagsisilbi rin bilang pangulo ng tricycle operators and drivers association (TODA) ng kanilang lugar, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi. Agad ikinasawi ni Ireneo Pakingan Bosque Sr., kagawad ng Brgy. Pasong Buaya, Imus City, ang mga tama ng bala sa […]
ISANG babae ang nasawi at 17 pa katao ang nasugatan nang mabundol ng pampasaherong bus ang isang jeepney sa Sorsogon City, Biyernes ng hapon. Dead on arrival sa ospital si Judy Belmonte, 48, residente ng bayan ng Prieto Diaz, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police. Kabilang naman sa mga sugatan ang jeepney driver na […]
NASAWI ang isang lalaki matapos sapakin ng kanyang kapitbahay, sa bayan ng Benito Soliven, Isabela, nitong Miyerkules. Nakilala ang biktima bilang si Roberto Inovejas, 53, magsasaka at residente ng Brgy. District 2, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Sinapak si Inovejas ng kapitbahay na si Clemencio Osalla, 53, dakong alas-10:30 ng umaga, at nang […]