Ambulansya nabangin: 2 patay, 3 sugatan | Bandera

Ambulansya nabangin: 2 patay, 3 sugatan

John Roson - January 14, 2020 - 04:00 PM

DALAWANG tao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang government ambulance sa isang bangin sa Bontoc, Mountain Province, Martes ng umaga.

Nasawi ang driver na si Franklin Angawa at isa sa mga sakay na si Kurt Akiate, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Sugatan naman ang iba pang sakay na sina Rexton Duyabat, 20; Nelda Joy Tapyugan, 23; at Anabel Attang, 31.

Naganap ang insidente sa Sitio Ve-ey, Brgy. Talubin, dakong alas-7:40.

Minamaneho ni Angawa ang ambulansya (SJS-623) mula Hungduan, nang mahulog sa bangin na may lalim na 150 metro at bumagsak sa creek, ayon sa ulat.

Nang mahugot ang mga sakay ng ambulansya ay dinala sila sa Bontoc General Hospital, pero di na umabot nang buhay sina Angawa at Akiate.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang sanhi ng insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending