PATAY ang isang barangay kagawad na nagsisilbi rin bilang pangulo ng tricycle operators and drivers association (TODA) ng kanilang lugar, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi.
Agad ikinasawi ni Ireneo Pakingan Bosque Sr., kagawad ng Brgy. Pasong Buaya, Imus City, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:30, sa bahay ni Bosque sa Wellington Compound, Brgy. Molino 4, Bacoor.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.