Higit 20K lumikas sa pagputok ng Taal Volcano | Bandera

Higit 20K lumikas sa pagputok ng Taal Volcano

John Roson - January 13, 2020 - 01:41 PM

AABOT sa 23,701 katao na ang nagsilikas sa Batangas dahil sa pagputok ng Taal Volcano, ayon sa Office of Civil Defense-Calabarzon.

Ang bilang ng mga evacuee, na mula sa 24 bayan at lungsod, ay naitala sa 73 evacuation center dakong alas-5 ng umaga Lunes, ayon sa ahensiya.

May naitala ring 1,396 kataong nagsilikas sa Tagaytay City, Cavite, ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kablang sa mga nagsilikas ang aabot sa 1,000 katao mula Batangas na “umakyat” sa Alfonso, Cavite, sabi ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste sa isang panayam sa radyo Linggo ng gabi.

Una dito, sinabi ng mga awtoridad na aabot sa 300,000 katao ang kailangang ilikas kung sakaling magkaroon ng full-blown eruption ang Taal Volcano.

Ayon kay Leviste, ang worst case scenario ay ang pagkakaroon ng “horizontal explosion,” na makakaapekto sa maraming bahagi ng Batangas, at maging sa Cavite.

Dakong alas-3:20 ng umaga Lunes, nagbuga ng lava ang bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Mahigit 75 volcanic earthquake na ang naitala mula nang mag-umpisang mag-alburuto ang bulkan Linggo ng tanghali.

Nagsimula namang dumanas ng ash fall ang maraming bahagi ng Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal, dakong alas-4:30 ng hapon Linggo.

Dumanas din ng ash fall ang ilang bahagi ng Metro Manila at Central Luzon.

Wala pang naitatalang nasawi o nasugatan dahil sa pagputok ng bulkan, ayon sa OCD.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending