DALAWANG lalaki ang arestado at aabot sa P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasabat, nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Sta. Elena, Camarines Norte, Linggo ng gabi.
Nakilala ang mga naaresto bilang sina Marlon Abueva, 25, residente ng Padre Burgos, Quezon; at Anacleto Aquino, 37, ng Ragay, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Bicol regional police.
Isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba-ibang unit ng pulisya ang buy-bust operation dakong alas-7:40, sa Sitio Watawat 1, Brgy. Tabugon.
Nakuhaan ang mga suspek ng dalawang two plastic bag na may kabuuang 500 gramo ng umano’y shabu.
Narekober sa kanila ang P1,000 papel at mga bungkos ng pekeng pera ginamit sa operasyon, at ang ginamit nilang Nissan Urvan (NV-350).
Nasa kostudiya na ng PDEA Camarines Norte ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.