TATLO ang patay, samantalang dalawang iba pa ang sugatan matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Taguig City Martes ng hapon.
Nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Ninjie Zhang, alyas Kauyu, isang Chinese national at ang Pinoy na nakilala sa alyas na Noel, ayon sa inisyal na ulat ng Southern Police District.
Sugatan naman ang mga Pinoy na sina Hazel Sang, 12, at Crystal Sang, 5, mga residente ng Bagong Silang, Caloocan.
Dinala ang mga biktima sa Taguig-Pateros District Hospital, ayon sa ulat.
Nangyari ang pamamaril sa harap ng central office ng Department of Science and Technology (DOST) sa kahabaan ng Gen. Santos ave., Brgy. Upper Bicutan, ganap na alas-2:30 ng hapon.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng apat na sangkot sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.