SAYANG ang career ng isang maituturing na rin namang mahusay na aktres na nasira dahil sa patuloy pa rin niyang paggamit ng illegal drugs. Sinabi ng ilang madadaldal sa show business na hirap ang aktres na kabisaduhin ang ilan sa kanyang mga linya sa isang telenobela. Iyun din ang dahilan kaya hindi matuloy-tuloy ang isang […]
HALOS bihira ang nakakakilala sa isang government official na bida sa kwento natin ngayon dahil sa pagiging low profile niya sa mata ng publiko. Pero hindi doon nagtatapos ang kwento dahil sa totoo lang pati ang kanyang mga tauhan ay kakaunti ang alam na impormasyon kaugnay sa ating bida ngayon. Sinabi ng aking cricket na […]
KUNG may stage parent pagdating sa showbiz ay meron din siyempre pagdating naman sa pulitika. Si Sir na isang dating mambabatas ay todo-bantay sa performance ng kanyang unica hija sa Kamara na humalili sa binakante niyang pwesto. Daig pa ni Sir ang trabaho ng isang chief of staff dahil sa pag-review ng order of business […]
AMINADO si dating Philippine National Police Chief at ngayon ay senador na si Ronald “Bato” de la Rosa na tumanggap rin siya ng mga regalo noong siya ay pulis pa. Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ng Pangulo na pwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis mula sa mga nagpapasalamat na benefactor basta’t hindi ito […]
TIYAK na malaking gulo ang magaganap sakaling magtagpo ang landas ng isang TV network executive at isang kongresista dahil sa agawan sa isang sexy young actress. Sinabi ng aking Cricket na kaya nabigyan ng break sa isang teleserye ang seksing aktres ay dahil sa basbas ng isa sa mga boss sa nasabing TV network na […]
POSIBLENG makasuhan, maharap sa disciplinary action o kaya ay mapatalsik sa kanyang pwesto ang isang bagitong mambabatas dahil sa pakikialam sa gusot sa loob ng isang priobadong kumpanya. Sinabi ng aking Cricket sa Negros Island na mismong ang mambabatas na ito ang nag-utos sa ilang top police officials para lusubin ang tanggapan ng isang kumpanya […]
TULUYANG naunsyami ang pangarap ng isang lady government official na maging pinuno ng ahensya na kanyang kinabibilangan sa kasalukuyan. Bukod kasi sa isinasangkot siya sa anomalya sa kanilang tanggapan ay isang mas powerful na lady official ang itinalaga sa posisyon na kanyang tinatarget. Sinabi ng aking sugarol na Cricket, hindi lamang basta powerful ang bagong […]
KINUMPIRMA ng isang media personality ang relasyon ng kanyang pinsan na pulitiko sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan. Bagaman nagkakalabuan na si Mr. Politician at ang kanyang misis pero posible sanang maayos ang gusot kung hindi pumasok sa eksena ang babaeng government official. Nagsimula lamang sa pulitika ang kanilang relasyon pero dahil halos araw-araw […]
MATINDI ang tampo ng isang talunang pulitiko sa kanyang mga kaibigan at ilang kaanak hindi lamang dahil sa pagkatalo sa nakalipas na halalan kundi dahil sa nawalang pondo sa nakaraang eleksyon. Tuluyan na niyang pinutol ang kanyang komunikasyon sa mga ito at nagpasya siyang manatili muna sa US. Ilang linggo makalipas ang eleksyon ay kaagad […]
ILANG buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin maka-move on sa kanyang pagkatalo sa nakalipas na eleksyon ang isang nagpapakilala bilang mahusay na abogado. Totoong mataas ang kanyang nakuhang mga marka sa law school at noong kumuha siya ng bar exam, pero sinabi ng ilang mga nakapaligid sa kanya na hindi naman siya ganun […]
ISANG marangal na trabaho at propesyon ang pagiging journalist, maging ito ay para sa tinatawag na traditional media tulad ng mga pahayagan, radyo at telebisyon, ganon din sa new o alternative media o iyung online news portal. Dalawang malalaking kumpanya ang nagpahatid ng reklamo sa pagiging gahaman ng ilang mga journalists na nalilinya sa tinatawag […]