Actress sabay pinatos network exec, kongresista

By Den Macaranas August 09,2019
share this

Actress sabay pinatos network exec, kongresista

By Den Macaranas August 09,2019
share this

TIYAK na malaking gulo ang magaganap sakaling magtagpo ang landas ng isang TV network executive at isang kongresista dahil sa agawan sa isang sexy young actress.

Sinabi ng aking Cricket na kaya nabigyan ng break sa isang teleserye ang seksing aktres ay dahil sa basbas ng isa sa mga boss sa nasabing TV network na kanya umanong sugar daddy.

Kilalang matulin si Sir at galante sa pagbibigay ng break sa mga aktres na dumadaan sa kanyang mga kamay.

Pero biglang naiba ang lahat nang pumasok sa eksena ang isang kongresista na nakilala rin sa showbiz ilang taon na ang nakalilipas.

Nasulot ni Cong si aktres at madalas na niya itong kasama kahit na sa ilang mga meetings niya sa mga kapwa mambabatas.

Sinabi ng aking Cricket na hindi pa malinaw kung alam ng TV executive ang pagiging two-timer ni aktres na sumikat rin sa paglabas sa ilang mens magazine.

Ibang klase raw kasing manligaw ang mambabatas kaya nakuha niya ang matamis na “oo” ng aktres.
Ito raw ay dahil bukod sa pagiging maalalahanin ay inulan rin niya ng mga mamahaling regalo ang kanyang bagong “partner”.

Alam na rin ng misis ni Cong ang nasabing relasyon pero wala na raw itong pakialam dahil sawang-sawa na siya sa panloloko ng dating mister na kongresista.

Nanganganib naman na mawalan ng mga project ang aktres sa isang TV network oras na mabisto ang pakikipag-relasyon nito sa matulis na mambabatas.

Ang aktres sa ating kwento ay si Miss I…as in Iba.

Ang TV executive ay si Mr. G…as in Godzilla samantalang ang mambabatas naman ay si Mr. D…as in Donatello.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending