Hindi na maitatago relasyon ni Madam kay Mr. Politician

By Den Macaranas July 31,2019
share this

Hindi na maitatago relasyon ni Madam kay Mr. Politician

By Den Macaranas July 31,2019
share this

KINUMPIRMA ng isang media personality ang relasyon ng kanyang pinsan na pulitiko sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Bagaman nagkakalabuan na si Mr.
Politician at ang kanyang misis pero posible sanang maayos ang gusot kung hindi pumasok sa eksena ang babaeng government official.

Nagsimula lamang sa pulitika ang
kanilang relasyon pero
dahil halos araw-araw ay magkasama kaya na-develop ito sa isang makulay na relasyon, ayon sa aking cricket na kabarkada ni Media Personality.

Matulis rin ang mambabatas na ito dahil niligawan niya muna ang mga
anak ni Lady Politician.

Iyon ang kanyang formula kaya madali niyang napaamo ang mga anak ng nasabing babaeng pulitiko.

Ilang beses na nilang itinanggi ang nasabing relasyon pero ito naman ay open-secret na sa kanilang mga kaalyado sa pulitika.

Nang tanungin ko kung bakit nagustuhan ni madam ang lalaking pulitiko ay isang malutong na tawa ang naging tugon ng aking cricket.

Pareho raw kasing bigotilyo ang kanyang boyfriend na pulitiko at ang nasirang esposo ni madam.

Okay lang naman na muling umibig ang lady politician pero nalalagay sa hindi magandang sitwasyon ang kanyang pangalan dahil may asawa at mga anak na si Mr. Politician.

Ang mga bida sa ating kwento ay sina Mr. B…as in Bola at Madam L…as in Liniment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending