Stage father daig pa Chief of Staff ni Madam

By Den Macaranas August 21,2019
share this

Stage father daig pa Chief of Staff ni Madam

By Den Macaranas August 21,2019
share this

KUNG may stage parent pagdating sa showbiz ay meron din siyempre pagdating naman sa pulitika.

Si Sir na isang dating mambabatas ay todo-bantay sa performance ng kanyang unica hija sa Kamara na humalili sa binakante niyang pwesto.

Daig pa ni Sir ang trabaho ng isang chief of staff dahil sa pag-review ng order of business sa Mababang Kapulungan.

Gusto kasi ng ating bida na updated sa mga isyung pinag-uusapan ang kanyang anak na hindi na rin naman bago sa larangan ng pulitika.

Bago naging congresswoman ay naglingkod rin bilang provincial board member si Madam sa isang lalawigan na matatagpuan sa Luzon.

Sa nasabi ring lalawigan ay nakapuwesto ang tatlo pang anak na lalaki ni Sir at tila yata
nagbabalak ito
na magtayo ng isang malaking political dynasty.

May kalokohan sa ibang bagay ang dating kongresista pero hindi naman matatawaran ang pagiging hands-on nito sa pagpapalaki at pagbabantay sa political career ng kanyang mga anak.

Solo niyang binalikat ang pagpapalaki sa mga ito at hindi na rin siya nag-asawa nang mamatay ang kanyang misis na dati ring kilala bilang celebrity.

Madaming kontrobersiyang kinasangkutan ang ating bida at lahat nang mga iyun ay kanyang nalampasan pero ni minsan ay hindi siya nakantyawan sa pagpapabaya sa kanyang mga anak.

Ang stage father na dating mambabatas at ngayon ay nakatutok sa legislative career ng kanyang anak ay si Mr. R…as in Ruby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending