Aktres balik-bisyo na naman, di na makasaulo ng linya

By Den Macaranas August 28,2019
share this

Aktres balik-bisyo na naman, di na makasaulo ng linya

By Den Macaranas August 28,2019
share this

SAYANG ang career ng isang maituturing na rin namang mahusay na aktres na nasira dahil sa patuloy pa rin niyang paggamit ng illegal drugs.
Sinabi ng ilang madadaldal sa show business na hirap ang aktres na kabisaduhin ang ilan sa kanyang mga linya sa isang telenobela.
Iyun din ang dahilan kaya hindi matuloy-tuloy ang isang
pelikula na inilalaan sana sa kanya, kasama ang dati niyang ka-love team.
Pinakahuling kapraningan ng aktres na lumantad ay nang sabihin niyang laging may sumusunod sa kanya kahit saan siya magpunta.
Kahit daw sa banyo ay sinusundan siya
ng isang lalaki na hindi naman niya nakikita.
Sinabi ng ilang mga kasamahan niya sa trabaho na palatandaan ito na nagbalik na naman sa masamang bisyo ang nasabing aktres.
Kawawa naman dahil pati ang kanyang dating asawa na isa ring artista ay tila wala nang pakialam sa ating bida.
Hindi na kailangan pa ng mabigat na clue para kilalanin ang aktres na kilala rin na madalas masangkot sa mga kontrobersiya.
Pati ang kanyang pamangkin at mga kapatid ay kamakailan lamang ay muli na namang naging laman ng mga balita.
Ang bida sa ating kwento na halos ay hindi na makakabisa ng mga linya sa telenobela at pinaniniwalaang bumalik sa kanyang masamang bisyo ay si Miss B…as in Barbeque.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending