De la Rosa di ipokrito, OK tumanggap ng regalo | Bandera

De la Rosa di ipokrito, OK tumanggap ng regalo

Den Macaranas - August 14, 2019 - 12:15 AM

AMINADO si dating Philippine National Police Chief at ngayon ay senador na si Ronald “Bato” de la Rosa na tumanggap rin siya ng mga regalo noong siya ay pulis pa.

Reaksyon ito ng mambabatas sa pahayag ng Pangulo na pwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis mula sa mga nagpapasalamat na benefactor basta’t hindi ito pagmumulan ng katiwalian.

Isag halimbawa aniya noong siya ay hepe pa ng PNP sa Davao City kung saan marami ang nagpapadala sa kanila ng pagkain tulad ng lechon.

Imbes na isoli, sinabi ni dela Rosa na nagpasalamat na lamang siya at hindi naman siya ipokritong tao.

Mayroon din daw silang naresolbang kaso ng robbery at ang kanilang natulungan ay nagbigay rin sa kanila ng printer para sa kanilang police station.

Nauna nang sinabi ni Sen. Ping Lacson na dati ring pinuno ng PNP na delikado ang pagtanggap ng regalo sa mga pulis dahil ito ay nakakaadik.

Nakasaad sa Republic Act 6713 o kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na bawal ang pagtanggap ng anumang uri ng regalo sa mga kawani ng pamahalaan kabilang ang mga pulis.

Bagaman walang balak si dela Rosa na amyendahan ang batas ay kanyang ikinatwiran na praktikal lamang ang Pangulo kaya payag siya sa pagtanggap ng regalo ng mga PNP personnel basta’t hindi ito nangangahulugan ng suhol o pagpalit sa isang pabor.

Excerpt: Nakasaad sa Republic Act 6713 at Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang pagtanggap ng regalo sa mga kawani ng gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending