Jojo Bragais nilinaw na hindi siya ‘shoe provider’ ng MU 2024

Jojo Bragais nilinaw na hindi siya ‘shoe provider’ ng Miss Universe 2024

Pauline del Rosario - November 17, 2024 - 02:07 PM

Jojo Bragais nilinaw na hindi siya ‘shoe provider’ ng Miss Universe 2024

PHOTO: Instagram/@bragaisjosejoaquin

“I AM not the shoe provider of Miss Universe this edition.” 

‘Yan ang mensahe ng Pinoy shoe designer na si Jojo Bragais para sa mga pilit na umaatake at bumabatikos sa kanya sa social media.

May mga netizens kasi na sinisisi si Jojo sa mga sapatos na isinuot ng mga kandidata ng nasabing international pageant for this year.

May mga nagsasabing palpak ang mga sapatos nito kaya nagkulang o naging “lackluster” ang pasarela ng ating pamabato na si Chelsea Manalo.

“Let’s all thank @jojobragais shoes for turning Chelsea’s pasarela into a lackluster spectacle,” bungad ng isang netizen na ibinandera ni Jojo sa kanyang Thread.

Baka Bet Mo: Sapatos na ‘sexy and comfy’ na gawang-Pinas irarampa ng mga Miss U candidate

Wika pa sa bahagi ng post ng basher, “Such a genius move to swap out sleek stilettos from her MUP stint for those clunky platform monstrosities. Bravo!”

Sinagot naman agad ‘yan ng sikat na shoe designer at ipinagdiinan na: “Para lang po clear and for some attacking me on DM and comments, I am NOT the Shoe Provider of Miss Universe this edition.

 

View on Threads

 

Kamakailan lang, ni-reveal ni Jojo ang latest shoe creation niya na inspired mismo sa Bulakenya beauty queen na ni-represent ang ating bansa sa Miss Universe 2024.

Ito ang open-toe metallic silver heels na tinawag niyang “Chelsea.”

“Handcrafted and designed as a celebration of relentless dreamers and resilient underdogs, the CHELSEA pair embodies the spirit of those who rise against the odds in their pursuit of greatness,” saad sa isang Instagram post.

Ani pa, “Chelsea, may you continue to Walk. Win all the way to the Miss Universe crown.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Bragais (@jojobragais)

Para sa mga hindi aware, si Jojo ay naging official footwear provider ng Binibining Pilipinas noong 2015.

Bukod diyan, ilang beses din siyang naging official shoe designer ng Miss Universe pageant, kabilang na ang 69th, 71st at 72nd editions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, si Chelsea ang kauna-unahang Filipino-Black American candidate na ipinanglaban ng Pilipinas sa nasabing international pageant.

Naganap ang coronation nitong November 17 (Manila time) sa Mexico kung saan siya ay nakapasok sa Top 30 qualifiers, ngunit kinapos pagdating sa Top 12 semifinalist.

Ang kinoronahan this year ay ang pambato ng Denmark na si Victoria Kjær Theilvig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending