Ano ang susunod para kay Jojo Bragais pagkatapos ng Miss Universe? | Bandera

Ano ang susunod para kay Jojo Bragais pagkatapos ng Miss Universe?

Armin P. Adina - January 28, 2023 - 01:15 PM

Jojo Bragais

Pinagigitnaan si Jojo Bragais nina Miss Universe R’Bonney Gabriel (kaliwa) at Miss Universe Philippines Celeste Cortesi (kanan)./JOJO BRAGAIS FACEBOOK PHOTO

KATATAPOS lang ng matagumpay na kolaborasyon ni Jojo Bragais sa Miss Universe pageant, at ni sa hinagap, hindi niya akalaing magbibigay ito ng karagdagang responsibilidad sa kanya labas sa pagnenegosyo.

“I have always been proud to be Filipino. But when I went out of the Philippines and I got there at Miss Universe, that’s where I felt even prouder,” sinabi ng patok na pageant shoe maker sa Inquirer sa isang eksklusibong panayam sa Victorino’s restaurant sa Quezon City bago tumulak pa-Estados Unidos para sa pandaigdigang patimpalak.

“I always say I am Filipino, and it’s funny that some people don’t know where the Philippines is. They don’t know we’re Asians, they only know of Japan and Korea, not us. I tell them who we are,” ipinagpatuloy pa niya.

Sinabi ni Bragais na naniniwala siyang tagumpay rin ng marami ang tagumpay niya, at hindi na ito personal lamang. “It makes me want to do the best of what I can,” ibinahagi niya.

Nangyari ang unang kolaborasyon niya sa Miss Universe Organization (MUO) para sa ika-69 edisyon na itinanghal sa US noong Mayo 2021. Doon, itinampok niya ang disenyong “Jehza” na ipinangalan kay 2018 Bb. Pilipinas Supranational Jehza Huelar.

Hindi ito nilagyan ng platforms, kaya nagpasimula ito ng bagong yugto sa pandaigdigang patimpalak sapagkat kilala ang industriya sa paggamit ng ubod-taas na mga sapatos. Isa pang pagbabagong naipakilala ni Bragais ang paglabas ng ilang nude shades upang tumugma sa iba’t ibang kulay ng balat.

Nagpatuloy ito sa pangalawa niyang kolaborasyon para sa ika-71 edisyon. Lumabas din ang mga kulay na “Cream,” “Caramel,” at “Coco,” at wala na ring platforms ang bago niyang disenyong “Maureen” na ipinangalan naman kay 2021 Miss Globe Maureen Montagne.

Ibinahagi rin ni Bragais sa Inquirer na may isa pang disenyong pinagawa ang MUO para sa swimsuit competition. Hindi ipinangalan sa isang beauty queen ang bagong produkto, at magbubukas sana ng isang bagong yugto sa industriya ng pageantry.

Sinabi niyang dahil sa ipinagawang bagong disenyo, gumugol siya ng matagal na panahon upang pag-isipan kung papayag siya sa isang panibagong kolaborasyon sa MUO. Kakaiba umano kasi ang bagong disenyo sa nakasanayan sa pageantry.

Sinabi ni Bragais na nagpasya siyang makipagkolaborasyong muli, at umasang magbubukas din ito ng bagong yugto sa negosyo niya. Ngunit ngayong nagpasya ang MUO sa huli na huwag nang ipagamit ang bagong disenyo, tatahakin pa rin ba niya ang daang inakala niyang dadaanan niya pagkatapos ng ika-71 Miss Universe pageant?

“Yes, we will now venture into ‘wearables,’” ibinahagi ni Bragais sa Inquirer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Bragais (Jose Joaquin Bragais) (@bragaisjosejoaquin)

Kung natuloy ang binabalak ng MUO, inasahan ni Bragais na makikita na ng mundo na hindi lang siya gumagawa ng “pageant shoes or high heels. There are other things that we can still do.”

Sinabi niyang alinsunod pa rin ito sa plano niya para sa 2023 at 2024, na maglabas ng “wearable” line. “I’ve been doing pageant shoes for the last seven, eight years. I feel it’s about time to tap into other markets,” ani Bragais.

“For now, I want change. I want to do more and to go out of my comfort zone, something different, I would say. In the next few months some will not be able to understand my decision or choices, but I’m ready for it. I can’t even wait,” pahayag niya.

Related Chika:
Jojo Bragais may sama nga ba ng loob kay Catriona Gray?

MUO president sinabing ‘celebration of women’ ang 71st Miss Universe pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sapatos na ‘sexy and comfy’ na gawang-Pinas irarampa ng mga Miss U candidate

Enjoyment ng manonood mahalaga sa bagong may-ari ng Miss Universe pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending