Jojo Bragais may sama nga ba ng loob kay Catriona Gray?
NAGLABAS ng hinanakit ang Filipino shoe designer na si Jojo Bragais ukol sa hindi pagbibigay respeto sa kanya.
Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin.
“You don’t have to like me, But At least give the respect,” saad ni Jojo Bragais.
Gumamit rin ito ng hashtags na “#waxIn” at “waxOut”.
Kahit na walang pangalang binanggit si Jojo Bragais kung sino ang kanyang pinatutungkulan pero marami ang naghinuha na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang pinatutungkulan dahil sa kanyang ginamit na hashtags.
Kamakailan kasi ay nagkaroon ng unveiling ng wax figure ni Catriona Gray na gawa ng mga mahuhusay na sculpture artists ng Madame Tussauds noong March 30, sa Singapore na personal na dinaluhan ng dalaga.
Talagang kopyang kopya sa wax figure ang itsura ni Catriona nang manalo siya sa Miss Universe na ginanap noon sa Bangkok, Thailand— mula sa kanyang ear cuffs, gown, hanggang sa sapatos nito.
Si Catriona ang pangatlong Filipino na nagkaroon ng wax figure. Una na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sinundan naman ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao.
Aware naman ang mga tao sa pageant industry na si Jojo Bragais ang gumawa ng sapatos ng beauty queen kaya naman marami ang nagtaka nang hindi man lang siya banggitin ng dalaga sa Instagram post nito.
Sa naturang IG post kasi ni Catriona ay tanging ang kanyang glam team at ang gumawa ng kanyang gown na si Mak Tumang lamang ang nabanggit nito.
View this post on Instagram
Kaya naman agad na naiugnay ng mga netizens ang post ni Jojo Bragais sa post ng beauty queen.
Bukod pa rito, may mga nawindang rin sa post ng Filipino shoe designer dahil madalang itong maglabas ng hinaing sa social media.
Marahil nga ay talagang nasaktan si Jojo Bragais sa ginawa ng dalaga.
Napag-alaman rin namin na maski sa Madam Tussauds ay may sama ng loob ang shoe designer dahil hindi rin daw ito humingi ng permiso sa kanya sa paggamit ng kanyang iconic shoes.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Catriona hinggil sa isyu.
Related Chika:
Wax figure ni Catriona Gray sa Madame Tussauds Singapore ibinandera na: Kiliiiig akoooo!
Heart patraydor na inookray ng Pinoy fashion designer: He would always say bad things about me
Wax figure ni Pacquiao sa Madame Tussauds ibinandera na: Kamukhang-kamukha ko nga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.