Lady official di sinuwerte sa tinatarget na posisyon

By Den Macaranas August 02,2019
share this

Lady official di sinuwerte sa tinatarget na posisyon

By Den Macaranas August 02,2019
share this

TULUYANG naunsyami ang pangarap ng isang lady government official na maging pinuno ng ahensya na kanyang kinabibilangan sa kasalukuyan.
Bukod kasi sa isinasangkot siya sa anomalya sa kanilang tanggapan ay isang mas powerful na lady official ang itinalaga sa posisyon na kanyang tinatarget.
Sinabi ng aking sugarol na Cricket, hindi lamang basta powerful ang bagong talagang opisyal kundi talagang masyadong malakas ang babaeng ito.
Bakit nga naman hindi, nagkaroon daw ng isang special relationship ang nasabing opisyal sa isa pang makapangyarihang government official.
Malalim ang kanilang pinagsamahan at mayroon silang “mini pamilya” ayon sa aking cricket.
Yes, meron silang love child dagdag pa ng aking matabil na source.
Kaya iyon ang dahilan at tahimik na lang at hindi makaporma ang isa pang opisyal sa nasabing maperang tanggapan ng pamahalaan.
Kahit laway na laway si Madam na makuha ang pamumuno sa nasabing ahensya ay wala na siyang magagawa dahil may sangkot na damdamin sa pagkaka-appoint ng bagong pinuno nila.
Idinagdag pa ng aking cricket na mukhang papasok na rin sa graft investigation ang Presidential Anti-Graft Commission kaya mas lalong tagilid ang ambisyosang lady official.
Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na nakasalang na sa sunod-sunod na imbestigasyon dahil sa hindi maipaliwanag na yaman ay si Madam S…as in Swerte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending