ILANG buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin maka-move on sa kanyang pagkatalo sa nakalipas na eleksyon ang isang nagpapakilala bilang mahusay na abogado.
Totoong mataas ang kanyang nakuhang mga marka sa law school at noong kumuha siya ng bar exam, pero sinabi ng ilang mga nakapaligid sa kanya na hindi naman siya ganun kagaling pagdating sa litigation.
Taliwas ito sa kanyang mga ipinagmamalaki sa kanyang resume, at syempre sa mga kwentuhan.
Kapansin-pansin sa kanyang mga post sa social media ang kanyang pagiging “ampalaya” (read bitter) hindi lamang sa pamamagitan ng pagbanat sa administrasyon kundi sa mga nanalo noong nakaraang halalan.
Pero isang bagay ang ayaw na ayaw niya maka-enkwentro sa social media at ito ang mga isyu sa kanyang pagkalalaki at lovelife.
Bistado naman kasi ang kanyang pagiging girl at alam ito ng mga nakapaligid sa kanya.
Pero nitong nakaraang eleksyon ay pilit niya itong itinago sa tulong naman ng isang hindi na rin sikat na singer-actress.
Pinakahuli sa kanyang mga social media post ay ang pagbati kay People’s Champ Manny Pacquiao.
Okay na sana pero dinugtungan pa niya ito ng ilang mga linya na tila may panlalait sa kakayahan ng nasabing mambabatas pagdating sa legislative work.
Kaya ayun tuloy at kinuyog siya ng mga tagahanga ni Pacquiao dahil sa kanyang dispalinhadong komento.
Sa kanyang mga posts sa social media ay kulang na lang na sabihin niyang talo ang sambayanan dahil sa pagkatalo niya sa nakalipas na halalan.
Ang mayabang pero talunang kandidato sa nakalipas na halalan na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa kanyang kapalaran ay si Mr. F…as in Facifica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.