Online news portal todo kumolekta ng ‘tongpats’ | Bandera

Online news portal todo kumolekta ng ‘tongpats’

Den Macaranas - July 19, 2019 - 12:15 AM

ISANG marangal na trabaho at propesyon ang pagiging journalist, maging ito ay para sa tinatawag na traditional media tulad ng mga pahayagan, radyo at telebisyon, ganon din sa new o alternative media o iyung online news portal.

Dalawang malalaking kumpanya ang nagpahatid ng reklamo sa pagiging gahaman ng ilang mga journalists na nalilinya sa tinatawag na “attack and collect”.

Hahanapan nila ng mabigat na isyu ang mga ito at saka babanatan sa pamamagitan ng pagtatago ng isyu bilang isang lehitimong balita.

Sinabi ng aking cricket na dito notorious ang isang sikat na online news portal na bida sa ating kwento ngayong araw.

Kamakailan ay nakipagkasundo ang ilang top brass ng isang malaking kumpanya sa bansa na maglalagay sila ng advertisement sa nasabing news portal na pinamumunuan ng ilang mga dating reporter na nag-level up na sa kanilang mga career.

Ito raw kasi ang hinihinging kapalit ng ilan sa mga kapatid natin sa hanapbuhay para tigilan nila ang pagbanat sa nasabing 100-percent owned Pinoy company.

Nang magpunta sa sales and marketing office ng naturang news portal ang mga kinatawan ng nasabing kumpanya ay nabisto nila na hindi pala advertisement kundi “tongpats” o regular na lagay ang gusto ng mga opisyal nito.

In short ay nagpatuloy ang pagbanat sa nasabing kumpanya sa pamamagitan ng mga isyu na itinago nila bilang mga lehitimong balita kuno.

Isa pang kumpanya ang lumapit rin sa nasabing online news organization para magbigay ng kanilang panig sa ilang mga isyu pero sila ay kanilang tinabla.

Maayos lamang daw ang usapin kung tatapatan nila ito ng sapat na halaga ng pera.

Ang online news portal na ating tinutukoy ay katunog ng mga tawag sa mga personalidad na binoboto natin tuwing panahon ng halalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending