Kim naging emosyonal sa ASAP, di napigilang maluha | Bandera

Kim naging emosyonal sa ASAP, di napigilang maluha

Ervin Santiago - June 16, 2015 - 02:00 AM

xian lim

Isa pang naging emosyonal noong Linggo ay ang Kapamilya Princess na si Kim Chiu.

Pagkatapos kasi ng production number ng rumored girlfriend ni Xian Lim sa ASAP 20 kung saan kinanta niya ang isa sa mga track sa bago niyang album, ay sinorpresa siya ng kanyang mga kasamahan sa show.

Ibinalita kay Kim na nasa platinum status na ang kanyang bagong album na “Chinita Princess.” Dahil dito, hindi na napigilan ng aktres ang maiyak sa sobrang tuwa.

Mismong ang mga executive ng Star Music na siyang nag-produce ng kanyang album ang nagbigay ng award kay Kim sa ASAP stage.

Umiiyak na nagpasalamat ang Kapamilya leading lady sa lahat ng supporters nila ni Xian, lalung-lalo sa mga gumastos at bumili ng kanyang album.

Samantala, naghahanda na rin ngayon sina Kim at Xian para sa kanilang reunion teleserye sa ABS-CBN. Kamakailan ay inilabas na nga ang ilan sa mga larawan ng dalawa na kuha sa ginanap na look test for their new series.

Nakita namin sa ilang litrato na medyo pinaitim si Xian habang fashionistang-fashionista naman si Kim. Marami ang nagpapalagay na baka baligtan na ngayon ang mga karakter na gagampanan ng magdyowa.

Kung noon ay palaging si Kim ang mahirap at kawawa, mukhang si Xian naman ang gaganap sa ganu’ng karakter. In fairness, sa look test pa lang ay talagang na-excite na ang kanilang milyun-milyong fans.

Kaya siguradong aabangan na naman ito ng madlang pipol. Matagal-tagal na rin kasi nang huling mapanood sina Kim at Xian sa isang soap, ang huili pa ay ang Ina Kapatid Anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending